Wednesday, September 7, 2011

PANGHIHINAYANG NG ISANG TORPE


Nilikha ka ng aking pagkabagot
Umusbong mula sa imahinasyong malikot.
Binigyang buhay.
Pinagmasdan.
Ipinako ang paningin sataglay mong sining
At minsanang pinangarap na ika'y maging akin.
Natigilan.
Nag- iisip.
Sinubukan kong lumapit
Gamit ang pilit na tinig.
Nautal.
Naumid.
Naging blanko sa 'yong kagandahan
Tila nabulabog ang buong kapaligiran.
Tulala.
Tahimik.
Pinatakas ang kaba sa aking dibdib.
Pilit ibinuka ang tikom na bibig.
Hangin.
Walang himig.
Hay naku!
Kailan kaya mabubura ang pag - aalinlangan
Sa mantsa
Ng naghihiyawang sumbat sa sarili...
Natgpuan ka sa gitna ng aking pag - iisa
Gumambala sa aking pagkatulala.

No comments:

Post a Comment