Tuesday, September 13, 2011

HIMBING

Kasabay sa pagpikit ng araw
Ang pag - idlip
Kasabay ng paghimlay ng silaw
Ang pagpikit.

Tinatanaw ang paligid
Sa musika ng mga himig.

Idinuduyan.
Inihehele.

Sa pagitan ng realidad at panaginip.

Ang lumatag sa kandungan
Upang maidlip
Ang mahimbing sa sinapupunan
Upang managinip.

Samsamin ang mga kahilingan
Sa mundo ng katotohanan

Sana na nasa;
Nasa sa sana.

Matagal pa bago sumapit ang umaga.

No comments:

Post a Comment