Tuesday, September 13, 2011
HIMBING
Friday, September 9, 2011
A BLACKOUT NIGHT CANDLE
Wednesday, September 7, 2011
PANGHIHINAYANG NG ISANG TORPE
|
Monday, September 5, 2011
Litanya
Kay sarap sanang pagmasdan
Ang bahaghari na dumudungaw
Mula sa likod ng nagbabantang ulan,
Nagtatampisaw sa lawak ng kalawakan.
Habang nakikipagniig sa himpapawid
Ang mga usok na nagmumula sa aking bibig
Pumapailanlang sa sahig ng langit
Tangay ang mithiing dinadampian ng pag - ibig.
Subalit;
Hindi na kinayanan pa ng ulap
Ang pagbulwak ng rumaragasang luha
Na kanina pa nya tangan - tangan
Sa kanyang naglalating sinapupunan
At habang pinapanood (a)ko
(A)ng (duma)daloy na / ng buhos ng ulan,
Na kung saan ang bawat patak
Ay nakikipaghabulan sa kapwa patak,
Nagmamartsa sa aking harapan.
Dumidilig sa naipunlang hilahil ng tanawin
Na kumikitil sa pag - iisa
Ng aninong nagmumukmok sa sulok.
Habang tinutugaygay ko
Ang balisbisan ng kahapon.
Kasabay ng pagpanaw ng mga alipato
Mula sa pulang sigarilyo (marlboro);
Inumpisahan kong bilangin
Ang patak ng ulan
Sa nagpuputik na kandungan ng lansangan.
At sa bawat sibat na bumubulusok pababa
Kumakalat sa kawalan,
Hatid ay ala - ala ng damdaming lumulutang
Inihehele ng ritmo ng takatak ng ulan
Mula sa bubungan.
Sa saliw ng konsyerto
Ng malamig na ihip ng hangin.
At ng tumila na ang maligalig na ulan
Tinatanaw ko ang pagsayaw ng mga dahon
Mula sa pagkalagas sa mga sanga
Hanggang sa pagpatak sa lupang hantungan
Upang mahimlay.
At kasabay sa muling pagsilip ng araw na pusikit
Ang pagtatagpo ng katotohanan at panaginip
At itinapon ko na ang upos nang pangungulila